dzme1530.ph

Oil, NatGas exploration, payagan na —expert

Nanawagan ang isang International Affairs expert sa gobyerno ng Pilipinas na payagan ang oil at natural gas exploration sa Reed Bank sa Palawan na nakapaloob sa Exclusive Economic Zone ng bansa.

Ayon kay Renato de Castro, Program Convenor at Trustee ng Stratbase-ADRI, sakaling mapayagan, ito ang ko-kontra sa ginagawang grey zone operations ng China sa West Philippine Sea.

Ipinunto ni de Castro na ang mga kapitbahay na bansa ng Pilipinas gaya ng Malaysia at Indonesia ay nagsasagawa na ng ”shaping operations” nito sa South China Sea, dahilan para itigil ng Tsina ang kanilang aktibidad sa lugar.

Dagdag pa ng eksperto, mahalaga aniyang ipakita ng pamahalaan ang ‘’willingness to confront’’ o kagustuhan nitong manindigan sa pag-aari ng bansa.

About The Author