dzme1530.ph

Pagkawala ng presensya ng security detail ni Gov. Degamo, iimbestigahan ng PNP

Tutukan ng Philippine National Police ang dahilan kung bakit wala ang lima sa anim na security detail ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo nung araw na napaslang ito.

Ayon sa pahayag ni PNP Spokes. Col. Jean Fajardo, iniimbestigahan na ang mga security detail ni Degamo matapos hindi sumipot ito sa araw kung saan nakaschedule sila para magbantay kay Degamo.

Samantala, sa tweet ni Senator JV Ejercito na iisa lang ang PNP personel na naka-assign kay Degamo nung araw na pasukin ito sa bakuran at paslangin ito.

Sinusugan ni Ejercito ang imbestigasyon sa mga bodyguard ni Degamo na kaduda-dudang absent sa araw na naganap ang pamamaslang sa gobernador.

About The Author