![]()
Umabot na sa 65 na nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot naman sa 1,447 ang nasugatan habang 36 ang nawawala.
Mahigit 176,000 na pamilya ang naapektuhan ng lindol na katumbas ng 736,386 individuals sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.
Sa apektadong populasyon, 3,180 families o 14,161 individuals ang nananatili sa 37 evacuation centers habang 14,687 families o 59,013 individuals ang nasa labas ng evacuation sites.
