dzme1530.ph

Senado, may malaking papel para sa pagtiyak na naipatutupad ang due process sa bawat kaso

Loading

Iginiit ni Sen. Alan Peter Cayetano ang papel ng Senado bilang tagapagtanggol ng ligal na karapatan at angkop na proseso o due process sa gitna ng usapin hinggil sa warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang-diin ni Cayetano na dapat panatilihin ng Senado ang integridad nito habang tumitiyak sa pagsunod sa mga ligal na proseso.

Nagbabala rin ang senador laban sa anumang hakbang na maaaring magdulot ng constitutional crisis, lalo na’t patuloy pa ring pinagtatalunan ang hurisdiksyon ng ICC sa bansa.

Muling ipinaliwanag ni Cayetano na bago maisakatuparan ang anumang foreign warrant sa Pilipinas, kinakailangan muna itong dumaan at mapagtibay sa lokal na hukuman, alinsunod sa 1987 Constitution at mga umiiral na batas.

Higit pa sa isyu ng ICC, binigyang diin din ni Cayetano ang mas malawak na papel ng Senado sa pagtatanggol sa mga karapatan ayon sa Konstitusyon at sa pagpapatupad ng patas na legal na proseso.

Dapat aniyang pantay ang aplikasyon ng batas anuman ang partidong kinabibilangan ng isang tao.

Nanawagan din siya para sa isang makatarungan at balanseng pagharap sa mga ligal na usapin.

About The Author