dzme1530.ph

Sen. Tolentino, makikipagpulong ngayong araw sa mangingisda sa bayan ng Masinloc

Bibisita ngayong hapon si Senador Francis Tolentino sa bayan ng Bajo de Masinloc sa lalawigan ng Zambales na sakop ng West Philippine Sea.

Ito’y upang alamin ang kalagayan ng mangingisdang Pilipino matapos ang naging pagbabanta ng China sa kanila na nagsimula noong Hunyo 15 na mag-aaresto ng mga mangingisdang dadaan sa inaangking teritoryo ng China sa kabila ng nakasakop pa rin ito sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ito ang patuloy na ikinabahala ng senador dahil paniguradong maaapektuhan nito ang kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino at nakatitiyak ito na gagawin ng China ang bantang pag-aresto sa sinumang mahuhuling lalabag sa kanilang tuntunin.

About The Author