![]()
Inimbitahan ng Beijing ang ngayo’y sinibak nang White House press secretary na si Katie Zacharia na bumisita sa China nang madalas.
Ito’y matapos sabihin ni Zacharia sa interview kamakailan na kulang ang bansa sa “proper toilets.”
Sinibak ni US President Donald Trump si Zacharia sa trabaho, wala pang isang linggo, kasunod ng matinding pagsisiyasat.
Sa panayam, inihayag ng former White House press secretary kung paano nasabi na ang China ang “next country on the horizon” kung wala silang proper toilets.
Sinagot ito ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning sa pagsasabing dalasan ni Zacharia ang pagbisita sa China kung mayroon itong pagkakataon.
Samantala, sa social media na Weibo, marami ang tumawag sa komento ng dating US official na “foolish,” habang may ilan na umamin na mayroong ibang toilets na luma na at hindi na akma sa standards.
