dzme1530.ph

KASO NG DENGUE SA AGUSAN DEL SUR, UMABOT NA SA 2,572

Loading

Umakyat na sa 2,572 ang kaso ng dengue sa Agusan del Sur, kabilang ang labing-anim na nasawi.
 
Ayon sa Provincial Health Office, ang tala ay mula Enero hanggang Oktubre 15.
 
Pinakamarami ang apektadong mga edad 10 hanggang 14 anyos.
 
Bunsod nito, nagsagawa na ng fogging at misting sa mga paaralan upang mabawasan ang pagdami ng lamok.
 
Pinakamaraming namatay ay naitala sa Bayugan City na may anim; lima sa Rosario; dalawa sa Loreto at tig-iisa sa Bunawan, San Francisco at Trento.
 
Patuloy naman ang hakbang ng Health Office sa pagkontrol ng lamok sa mga dengue hotspots sa mga barangay at aktibo ring nagsusuri ang mga health worker para matukoy ang mga posibleng kaso.

About The Author