dzme1530.ph

FILIPINO MODEL CHRISTINA NADIN, RUMAMPA SA RUNWAY NG VICTORIA’S SECRET FASHION SHOW 2026

Loading

Sinorpresa ni Filipino-Irish-British model na si Christina Nadin ang fans matapos lumabas sa 2026 Victoria’s Secret Fashion Show.
 
Si Christina ang ikalawang Pinay na rumampa sa runway ng taunang fashion event.
 
Nag-debut si Christina bilang Victoria’s Secret Angel sa Pink segment na ginanap kaninang umaga, oras sa Pilipinas.
 
Una nang nag-post ang Pinay model sa kanyang Instagram page ng cake na may nakasulat na “Congrats! VS Angel!”
 
Ibinahagi rin nito ang video nang sabihin sa kanya na kabilang siya sa much-anticipated event ng lingerie brand.
 
Ang pag-ram pa ni Christina sa Victoria’s Secret ay walong taon matapos gumawa ng kasaysayan si Kelsey Merritt bilang kauna-unahang Pilipina na naglakad sa runway ng lingerie brand noong 2018.

About The Author