![]()
INILABAS ng Impeachment Court ang schedule ng paglilitis sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte para sa buwan ng November.
Sa ruling Presiding Officer Francis Chiz Escudero, muling magkoconvene ang Impeachment Court sa November 9, 10am bago magbigay-daan sa sesyon ng Senado at saka magbabalik sa trial.
Pagdating naman ng November 10 ay magiging maghapon ang trial habang sa November 11 ay magkoconvene ng 10am subalit posibleng maputol sa hapon para bigyang-daan ang sesyon ng Senado kung kinakailangan.
Itinakda naman ang whole day na pagdinig sa November 12, 13, 19 at 20 habang sa November 23 isasagawa ang pagdinig mula 10am hanggang 2pm.
Inaasahang sa pagbabalik sa November 9 ay magsisimula na ng presentasyon ng mga ebidensya at testigo ang defense team ni VP Sara.
Samantala, sinabi ni Impeachment Court Spokesman Atty Reginald Tongol na hindi pa nila matiyak kung kailan tuluyang makapaglalabas ng verdict ang korte.
Binigyang-diin ni Tongol na ang inilabas na mga pagtaya para sa pagtatapos ng impeachment trial ay moving schedule dahil dedepende ito sa mga mangyayari sa bawat araw ng paglilitis.
