dzme1530.ph

Sapat na suplay ng tubig sa Metro Manila, tiniyak ng MWSS

Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mayroong sapat na suplay ng tubig sa Metro Manila sa kabila nang pagsadsad sa minimum operating level ng tubig sa Angat dam.

Ayon kay MWSS Department Manager Patrick Dizon, mananatili sa 52 cubic meters per second ang alokasyon para sa Metro Manila kahit binawasan ito ng 3 cubic meters per second ng National Water Resources Board.

Upang maiwasan ang water interruptions, sinabi ng MWSS na nakipagkasundo ito sa irrigators association para mapunan ang kakulangan sa suplay.

Sa ngayon, ipatutupad pa rin anila ang water pressure management hanggang sa tumaas ang antas ng tubig sa Angat dam.

Batay sa latest monitoring ng PAGASA, nasa 179.68 meters na lang ang water level sa Angat na nagsusupply sa 90% na kailangang tubig ng Metro Manila.

About The Author