dzme1530.ph

Maayos na kondisyon ng mga tsuper at PUVs ngayong Semana Santa, tiniyak

Tiniyak ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na makapagbibigay sila ng sapat na bilang ng mga sasakyan para sa mga magsisi-uwinsg pasahero ngayong Semana Santa.

Ayon sa LTOP, sumailalaim sa mga kinakailangang pagsusuri ang mga ilalargang Public Utility Vehicle (PUV) at mga driver upang masigurong nasa maayos kondisyon ang mga ito.

Ayon sa Grupo, isang pagpupulong ang kanilang isinagawa noong nakaraang linggo para maihanda ang grupo sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga daragsang biyahero sa mga terminal.

About The Author