dzme1530.ph

Russia-China relations mas lumalalim ang ugnayan

Ipinagmalaki ng bansang Russia at China ang lumalalim nilang ugnayan sa pamamagitan ng serye ng mga pulong kung saan inaantabayanan ang alok ng Beijing na mas malakas na suporta sa Kremlin para sa pakikidigma nito sa Ukraine.

Ang pagbisita ni Wang Yi, ang Most Senior Foreign Policy Official ng Chinese Communist Party sa Moscow ay sa gitna ng pagpapatuloy ng pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Sa simula ng pakikipag-usap kay Wang, pinuri ni Russian President Vladimir Putin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa at sinabing inaasahan ng Kremlin ang pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa Russia.

Inihayag naman ni Wang na ang Chinese-Russian Relations ay hindi para labanan ang alinmang third countries at hindi rin dapat makatanggap ng pressure mula sa alinmang bansa.

About The Author