dzme1530.ph

Intramuros, pasok bilang nangungunang tourist destination sa Asya

Inihayag ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco na lumalaban ang Pilipinas para sa limang major trophies sa Asia Category sa 2023 World Travel Awards (WTA).

Sinabi ni Sec. Frasco na dalawa sa pinakasikat na destinayon gaya ng Cebu at Intramuros ang nominado bilang Top Wedding Destination at Leading Tourist Attraction makaraang mapanalunan ito noong nakaraang taon.

Muling nakikipagtunggali ang Pilipinas para sa Asia’s Leading Beach Destination ngayong taon sa 30th Edition ng WTA, makaraang mapanalunan din ang kaparehong kategorya noong Setyembre 2022 sa Vietnam.

Ngayong taon ay nakikipag-compete din ang Pilipinas para sa titulong Asia’s Leading Dive Destination na hawak ng bansa sa nakalipas na apat na taon, mula 2019 hanggang 2022.

Nominated din ang DOT bilang Asia’s Leading Tourism Board para sa 2023 World Travel Awards.

About The Author