dzme1530.ph

Russia, binomba ang Sumy City sa Ukraine; 34 patay sa pinakamadugong pag-atake ngayong taon

Loading

Pinaulanan ng ballistic missiles ng Russia ang Northeastern City ng Sumy sa Ukraine.

Tatlumpu’t apat (34) katao ang nasawi sa naturang pag-atake, at nagdulot ng takot sa mga residente na nasa gitna ng paggunita sa Palm Sunday at dumadalo sa misa.

Ayon sa State Emergency Service sa Ukraine, ito na ang pinakamadugong pag-atake sa nagpapatuloy na sagupaan ng dalawang bansa ngayong taon.

Kabilang umano sa mga nasawi sa sentro ng lungsod ay dalawang bata habang 117 katao ang nasugatan.

About The Author