![]()
May lead ng sinusundan ang NBI sa taong kinausap ni Vice President Sara Duterte para i-assassinate ni PBBM, FL Liza Marcos at former Speaker Martin Romualdez.
Yan ang kinumpirma ni NBI Dir. Melvin Matibag, sa pagharap nito sa Justice panel kasama ang iba pang opisyal bitbit ang mga isinumiteng records ng imbestigasyon.
Ayon kay Dir. Matibag, seryoso nilang tinitingnan ang actual treat sa buhay ng Pangulo, kaya patuloy silang nagbabantay.
Inamin nito na may sisusundan ng lead o indibidwal ang kanilang mga imbestigador na kunektado sa bantang pagpatay.
Tumanggi naman si Matibag na ilahad pa ang detalye ng tinutukoy nitong tao o indibidwal na under surveillance dahil sa ‘operational security.’
Dagdag pa ni Matibag, may mga binabantayan o sinusuri ang kanilang imbestigador na Duterte’s network of close associates para matukoy ang posibleng links.
