dzme1530.ph

PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE, PINASALAMATAN SA PAGKILALA SA AMBAG NI HOUSE SPEAKER BOJIE DY

Loading

Pinasalamatan ni House Speaker Faustino Bojie Dy III ang Public Attorney’s Office o PAO sa pagkilala sa kanyang ambag.

Sa video message ni Dy sa 9th Grand National Convention ng PAO sa World Trade Center, pinasalamatan nito ang PAO na tinawag niyang “shield of justice” for Filipinos.

Si Dy ay ginawaran ng Lady Justice statuette bilang pagkilala sa serbisyo nito bilang outstanding Speaker of the House of Representatives.

Aniya, isang karangalan ang pagtanggap ng ganitong pagkilala bilang Speaker, at ng buong Kamara de Representantes na patuloy ang trabaho para sa katarungan at kagalingan ng bawat Pilipino.

Iyan ang bahagi ng video message ni Speaker Bojie Dy sa pagtanggap ng pagkilala mula sa Public Attorney’s Office.

Aniya, simple yet powerful message.

About The Author