dzme1530.ph

ALAMIN ANG BENEPISYO NG OKRA SA BITUKA

Loading

Isa sa mga madalas na nakakalimutang gulay sa hapag-kain ng mga Pilipino ay ang okra.

Ngunit ayon sa mga eksperto, taglay nito ang maraming benepisyo sa kalusugan na maaaring makatulong laban sa iba’t ibang sakit.

Kilala ang okra sa mataas na fiber na mahalaga para sa maayos na panunaw.

Ayon sa mga nutritionist, ang regular na pagkain ng okra ay makakatulong upang maiwasan ang constipation at mapanatiling malusog ang bituka.

Bukod dito, mayaman din ang okra sa mga antioxidants tulad ng vitamin C at polyphenols na tumutulong labanan ang mga free radical sa katawan.

Dahil dito, nakababawas ito sa panganib ng mga malalalang sakit gaya ng sakit sa puso at ilang uri ng kanser.

Pinaniniwalaan din na ang okra ay may kakayahang makatulong sa pagkontrol ng asukal sa dugo.

Dahil sa taglay nitong soluble fiber, mas mabagal ang pag-absorb ng glucose sa katawan, na mahalaga lalo na sa mga may diabetes.

Mayaman din ang okra sa folate na mahalaga para sa mga buntis, dahil nakakatulong ito sa maayos na pag-develop ng sanggol sa sinapupunan.

Sa kabila ng madulas nitong texture na hindi gusto ng iba, hinihikayat ng mga eksperto ang publiko na isama ang okra sa kanilang diyeta dahil sa mga natatanging benepisyo nito sa kalusugan.

About The Author