![]()
Sa tantiya ng dalawang malalaking partido pulitikal sa Kamara, hindi bababa sa 180 ang botong papabor sa committee report ng Committee on Justice sa Lunes.
Ayon kay NUP Chairman at Deputy Speaker Ronaldo Puno, sa informal survey ay madaling makuha ang 180 votes.
Sa panig ni Lakas-CMD stalwart Rep. Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, 180 rin ang nakikita nitong bilang.
Nilinaw din ni Adiong na walang utos sa kanila na bumoto ng pabor.
Ayon naman kay Puno, may pangambang nararamdaman ang maraming kongresista dahil sa pressure na inilabas ng isang relihiyon.
Tinukoy nito ang kapatirang INC na siyang nagbabanta.
Inamin din ni Puno na bago ang pagdinig sa Committee on Justice, maraming kongresista ang medyo atubili sa impeachment.
Subalit matapos ang mga lumabas na dokumento at testimonya, marami na umano ang nakumbinsi na dapat matuloy ang trial sa Senado.
