dzme1530.ph

PSA, gigisahin sa budget hearings kaugnay sa mga irregular na birth certificate

Target ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na dikdikin ang Philippine Statistics Authority (PSA) kaugnay sa mga naglabasang mga irregular birth certificate na nagiging batayan din ng iba pang ligal na dokumento sa bansa.

Sinabi ni Escudero na pagdating sa budget deliberations ng ahensya ay kanyang kokomprontahin ang PSA kaugnay sa mga isyung ito.

May kaugnayan ito sa lumabas na irregular na birth certificate ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nagamit pa niya sa pagkuha ng Philippine passport at pagtakbo bilang alkalde.

Iginiit ng Senate Leader na ang tanong ay paano nangyari, ilang beses na nangyari, gaano kadalas at saan sila nagkamali.

Binigyang-diin ni Escudero na hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong mga irregular na birth certificate.

Idinagdag ni Escudero na dapat matukoy kung may katiwalian o kapalpakang nangyari sa ahensya kaya nagkakaroon ng mga iregular na birth certificates.

About The Author