dzme1530.ph

Presyo ng manok, unstable —UBRA

Nilinaw ng United Broiler Raiser’s Association (UBRA) na nagkaroon ng pagtaas at pagbaba sa presyo ng manok sa nakalipas na mga buwan ngayong taon.

Sa panayam ng DZME1530, sinabi ni UBRA President Atty. Bong Inciong na dahil ito sa pagbabago sa farmgate price at demand ng manok.

Aniya, mula sa P150 hanggang P200 na retail price ay tumaas ito sa P160 hanggang P200 nitong Martes.

Ipinaliwanag naman ni Inciong na dahil sa presyo ng feeds o patuka kaya tumataas presyo ng manok.

About The Author