dzme1530.ph

Polo na ginamit ni Francis M. sa Bagsakan MV, ipapa-auction

Matapos ang matagumpay na pag-auction sa kanyang polo shirt na ginamit sa music video ng kantang “Bagsakan,” isusubasta naman ngayon ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda ang kaparehong polo shirt na ginamit ng yumaong master rapper na si Francis Magalona.

Ito ay upang makakalap ng karagdagan pang pondo para sa maysakit na best friend at bandmate na si Bab Chee Kee.

Ang gitarista ng parokya na na-confine sa Intensive Care Unit (ICU) ay inaasahang malapit nang makalabas ng ospital makaraang sumailalim sa operasyon upang magamot ang kanyang Lymphoma.

Si Fracis M at isa pang rapper na si Gloc-9 ay bahagi ng music video ng “Bagsakan” na binuo at ni-release ng Parokya ni Edgar noong 2009.

Aktibong humahanap ng paraan si Chito upang matulungan si Gab sa medical expenses nito, gaya nang pagsusubasta sa ilang memorabilia at pagsasagawa ng benefit concerts.

About The Author