dzme1530.ph

Police Provicial Dir. ng Aklan, handang humarap sa imbestigasyon ng senado

Nakahanda si Provicial Director PCol. Crisaleo Tolentino sa imbestigasyong gagawin ng Blue Ribbon Committee kaugnay sa pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ayon sa Aklan Police Provincial Information Office, bukas si PCol. Tolentino kaugnay sa imbestigasyon na isasagawa ng senado at handa umano syang makipagtulungan dito.

Suportado umano ni Tolentino, ang anomang hakbang ng senado at inirerespeto nya ito bilang isang sangay ng pamahalaan.

Matatandaang nanawagan si Pamplona Mayor Janice Degamo na isama sa imbestigasyon sa senado ang Provicial Director.

Tahimik naman ang Provicial Director sa naging pahayag ni Mayor Degamo.

About The Author