dzme1530.ph

Pokwang, pinalayas ang dating partner na si Lee O’brian.

Nagsalita na ang komedyanteng si Pokwang sa dahilan ng paghihiwalay ng dati nitong partner na si Lee O’brian.

Ito’y matapos sagutin ni Pokwang ang komento ng isang netizen na kaya ito iniwan ni Lee ay dahil talakera ito.

Sinabi ng komedyante na nagising siya sa katotohanan na anim na taon na pala niyang pinalalamon si Lee at limang taong hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang anak.

Binigyang diin din ni pokwang na hindi siya iniwan at tanungin nalang ang dating partner kung bakit ito pinalayas.

Naghihinala naman si Pokwang na posibleng kaibigan ng bagong karelasyon ni lee ang Instagram user na nang-bash sa kanya.

About The Author