dzme1530.ph

Sandiganbayan, apela ng mga Marcos na mabawi ang mga ari-ariang sinekwester, ibinasura

Ibinasura ng Sandiganbayan Fourth Division ang mosyon na inihain ni dating First Lady Imelda Marcos at kanyang anak na si Irene Marcos-Araneta para maibalik sa kanila ang ilang nakaw na ari-arian na sinekwester ng gobyerno.

Sa resolusyon, hindi kinatigan ng anti-graft court ang Motion for the Issuance of Writ of Execution na inihain ng pamilya noong Agosto 2022.

Inihayag ng Sandiganbayan sa resolusyon na hiniling ng mag-inang Marcos na agad ideklara ang mga ari-arian na saklaw ng kaso bilang hindi “ill-gotten” upang mailabas.

Ilan sa mga properties na ito ay ang Marcopper Mining, Metropolitan Museum of Manila Foundation,, Philippine Long Distance Company, at iba pa.

About The Author