dzme1530.ph

PNP, aasiste sa monitoring ng MSRP sa karne ng baboy ngayong araw

Loading

Nakahanda ang Philippine National Police na umalalay sa mga opisyal ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na mag-iikot ngayong araw sa mga palengke sa Metro Manila.

Ito’y kasunod ng pagpapatupad ng Maximum Suggested Retail Price sa karne ng baboy sa mga pamilihan.

Kaugnay nito, sinabi ni PNP-PRO 3 Director at Spokesperson, Brig. Gen. Jean Fajardo, na limitado lamang ang magiging papel ng PNP at nakatutok lamang ito sa pagbabantay ng seguridad ng mga mag-i-inspeksyon.

Tanging mga kinatawan ng DA at DTI ang siyang magsasagawa ng inspeksyon, upang tiyaking walang mananamantala sa presyuhan ng kanilang ibinebentang karne ng baboy.

Nabatid na ang MSRP sa kada kilo ng kasim at pige ay itinakda sa 350 pesos kada kilo habang 380 pesos naman sa kada kilo ng liempo.

Ayon pa kay Fajardo, malaking bagay ang presensya ng Pulisya sa pagpapanatili ng seguridad at maiwasan ang anumang kaguluhan habang nag iikot ang mga otoridad.

About The Author