dzme1530.ph

Planong pagbisita ni King Charles sa France, hindi babaguhin sa harap ng mga kilos-protesta

Walang babaguhin sa planong state visit ni King Charles III sa France, sa harap ng social disorder sa naturang bansa.

Nakatakdang bumisita si King Charles at asawa nitong si Camilla sa France simula sa linggo hanggang sa Miyerkules, saka didiretso sa Germany.

Ito ang unang state visits ni Charles sa ibang bansa matapos italagang pinuno ng Royal Family, kasunod ng pagpanaw ni Queen Elizabeth II noong Setyembre.

About The Author