![]()
Sampu (10) pang bagong pangalan na recipient ng confidential funds ng OVP ang lumutang sa ika-labing limang araw ng trial sa impeachment Court.
Sa direct examination ni Atty. Lorna Kapunan kay Roderick Wamil, state auditor ng COA-ICFAO, iprinisenta nito ang acknowledgment receipt worth P70,000 na nakapangalan kay Mary Grace Piattos bilang “payment of rewards/medicines.”
Ang mga bagong pangalan ay sina Renan Piattos, Nova Santos, Mico P. Harina, Janice Marie Revilla, Patty Ting, Andy Lim, Alejandro Pikit, Feonna Biong, Sisfrunio Balsac, at Gabriel Bisaya.
Ang mga pangalang ito ay kabilang umano sa 845 receipts na isinumite ng OVP sa COA bilang suporta sa liquidation sa P125-M confidential funds na inubos sa loob ng 11 days mula Dec. 21 to Dec. 31, 2022.
Si Renan Piattos ay tumanggap din umano ng P110,000 noong Dec. 27, 2023, labas sa 11-days covered period.
Si Nova Santos ay tumanggap ng P85,000 for payments of rewards in various goods, habang si Mico P. Harina ay may acknowledgment receipt para sa P295-M for purchase of supplies.
