dzme1530.ph

PILIPINAS, PUMALO NA SA 4,029,201 COVID-19 NATIONWIDE TALLY AYON SA DOH

1,141 new COVID-19 cases ang naitala sa bansa, dahilan para sumampa na sa 4,029,201 ang nationwide tally.
Sa pinakahuling datos mula sa Department Of Health, umakyat sa 17,393 ang active infections kahapon mula sa 17,049 noong miyerkules.
Lumobo rin sa 3,947,284 ang total recoveries makaraang 650 pang mga pasyente ang gumaling.
Dalawampu naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya pumalo na sa 64,524 ang death toll.
As of November 23, nasa 23.4% ang bed occupancy rate sa bansa, kung saan 6,635 beds ang okupado habang 21,770 ang bakante.

About The Author