dzme1530.ph

Pilipinas, pinarangalan bilang ‘Best Dive Destination’ sa Asya

Hinirang bilang “Best Diving Destination” ang Pilipinas sa naganap na Diving, Resort and Travel Show sa Malaysia.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia-Frasco, naungusan ng Pilipinas ang Malaysia, Indonesia, Japan at Maldives sa naturang event na tinaguriang “The Largest Diving Expo in Asia.”

Dagdag ng kalihim, ito ay isang back to back win para sa bansa matapos na makuha din ng Pilipinas ang “World’s Leading Dive Destination” at “Asia’s Leading Dive Destination” mula sa World Travel Awards noong 2019 hanggang 2022.

Ani Frasco, itinampok sa awards na ito ang kagandahan ng bansa upang magsilbing inspirasyon mula sa ating diving community at stakeholders para tiyakin ang marketability at sustainability ng Philippine destinations.

Alisunod sa pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na mahalaga ang papel ng turismo sa pagbawi ng ekonomiya ng bansa, ang katatanggap na parangal ay inaasahang hihikayat ng mas maraming turista ngayong pagsapit ng summer season.

About The Author