![]()
Gagamitin ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang lahat ng available remedies matapos ibasura ng Quezon City Regional Trial Court ang kanyang motion for inhibition o voluntary recusal.
Pahayag ito ni Atty. Paul Lawrence Lim, counsel ni Duterte, kasabay ng pagkumpirma na natanggap na nila ang order mula sa Quezon City RTC Branch 98.
Tinukoy ni Presiding Judge Maria Angelica de Ramos sa Sep. 14 ruling na walang sapat na batayan ang motion ni VP Sara.
Tiniyak naman ni Lim na patuloy silang tatalima, alinsunod sa paggalang ng Bise Presidente sa umiiral na batas.
Idinagdag ng abogado na natanggap din nila ang kautusan ng korte na nag-oobliga sa magkabilang partido na mahigpit na sumunod sa sub judice rule at iwasang talakayin sa publiko ang mga merito ng kaso.
Nahaharap si Duterte sa three counts of grave threats kaugnay ng kanyang komento sa online press conference noong 2024.
