dzme1530.ph

PILIPINAS NAKAPAGTALA NA NG 4,028,187 NATIONWIDE CASELOAD NG COVID-19

Nakapagtala ang Department Of Health ng 703 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para lumobo na sa 4,028,187 ang Nationwide Caseload.
Ito ang ikatlong sunod araw na mas mababa sa isang libo ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19.
Sa pinakahuling datos mula sa DOH, bumaba pa sa 17,049 ang active infections kahapon mula sa 17,550 noong martes.
Umakyat naman sa 3,946,634 ang total recoveries habang nadagdagan ng apat ang bilang ng mga nasawi kaya sumampa na sa 64,504 ang death toll.

About The Author