![]()
Hindi magpapatupad ang Pilipinas ng temporary ban sa pag-aangkat ng bigas habang pinaghahandaan ng bansa ang epekto ng paparating na peak ng El Niño sa Nobyembre hanggang Disyembre.
Ginawa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pahayag, sa kabila ng papalapit na pagsisimula ng anihan ng palay sa Setyembre.
Sinabi ni Tiu Laurel na bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan para matiyak ang sapat na supply ng bigas hanggang sa susunod na taon.
Aniya, kailangang mayroong buffer stock ang bansa bilang paghahanda para sa buwan ng Disyembre, pati na sa Enero hanggang Abril ng susunod na taon.
Inihayag ng DA na nalampasan na ng bansa ang 3 million metric tons na antas ng imported rice volume bilang paghahanda sa tag-ulan.
