dzme1530.ph

IRAN, NAKIKIPAG-USAP SA OMAN PARA SA TEMPORARY ROUTE SA STRAIT OF HORMUZ

Loading

Kinumpirma ng Iran na nakikipag-negosasyon sila sa Oman para maabot ang isang kasunduan para sa temporary route sa pamamagitan ng Strait of Hormuz upang payagang makapagpatuloy ang commercial shipping.
 
Ginawa ng Iran ang pahayag matapos ianunsyo ni US President Donald Trump na may panibagong negosasyon upang matigil na ang giyera, at pinahinto niya ang malawakang pag-atake sa Tehran para rito.
 
Gayunman, sinabi ng Iran na hindi sila nakikipag-negosasyon sa Estados Unidos, wala silang balak na makipagkasundo.
 
Tila napikon naman ang US President sa pagtanggi ng Tehran, at kalaunan ay nag-post ito sa Truth Social media platform, kung saan tinawag nitong “unbelievably duplicitous” ang liderato ng Iran.

About The Author