![]()
Naghahanda na ang ‘Duterte Panagutin Network Europe’ ng kanilang mga aktibidad sa The Hague bago ang pagsisimula ng paglilitis sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC sa November 30.
Ayon kay Icai Enriquez, convenor ng grupo, ang paglilitis ay ang matagal nang hinihintay na oportunidad para maisiwalat ang katotohanan sa mga sinasabing krimeng dulot ng war on drugs ng Duterte administration.
Kasabay nito, hinimok ni Enriquez ang mga tagasuporta at miyembro ng European network na magtungo sa The Hague upang magpakita ng pakikiisa sa mga biktima ng war on drugs at kanilang pamilya.
Bukod sa mga gagawing public activities, sinabi ni Enriquez na bumubuo rin sila ng practical at financial support para sa mga pamilya at human rights advocates na bibiyahe mula sa Pilipinas.
Samantala, muli namang nanawagan ang Panagutin Netherlands na tiyakin ang pagharap ni Duterte sa paglilitis habang iginiit din ang pag-aresto kay Senador Ronald Bato dela Rosa.
