dzme1530.ph

DRILLS NG CHINA MALAPIT SA BAJO DE MASINLOC, KINUMPIRMA NG AFP

Loading

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang military drills ng China kamakailan, malapit sa Bajo de Masinloc, sa gitna ng patuloy na pag-flex ng Beijing ng kanilang military power sa South China Sea.
 
Sinabi ni AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na na-monitor ang drills simula July 31 hanggang Aug. 1.
 
Kabilang aniya rito ang deployment ng limang barkong pandigma, isang replenishment ship, dalawang hovercraft, dalawang helicopters, at hindi tukoy na bilang ng fighter aircraft.
 
Ayon kay Trinidad, ang drills ay kasabay ng selebrasyon ng 99th anniversary ng People’s Liberation Army noong Aug. 1.
 
Unang nagsagawa ang AFP, US Pacific Command, at Japan Maritime Self-Defense Force ng 17th Multilateral Maritime Cooperative Activity noong July 21 hanggang 25 sa kanlurang bahagi ng karagatan ng Zambales at silangan ng Bajo de Masinloc.

About The Author