![]()
Inanunsyo ng International Criminal Court ang revised hearing schedule para sa unang trial ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim ng revised schedule, ang hearing ay isasagawa ng apat na sesyon kada araw na may breaks at isang oras na lunch break.
Ang unang hearing session ay mula 5 p.m. hanggang 6 p.m.; break ng 6 p.m. hanggang 6:30 p.m.; 2nd hearing session mula 6:30 p.m. hanggang 7:30 p.m.; lunch break ng 7:30 p.m. hanggang 8:30 p.m.; 3rd hearing session mula 8:30 p.m. hanggang 9:30 p.m.; break ng 9:30 p.m. hanggang 10 p.m. at 4th hearing session mula 10 p.m. hanggang 11 p.m.
Sa kabuuan, ang hearing ay tatagal ng apat na oras kada araw, hindi na kasama ang mga breaks.
Sisimulan sa November 30 ang paglilitis sa kasong crimes against humanity sa dating pangulo.
