dzme1530.ph

Phoenix Super LPG wagi kontra Rain or Shine

Nakatatlong sunod na panalo na ang Phoenix Super LPG makaraang padapain ang Rain or Shine sa score na 114-106, sa nagpapatuloy na 2023 PBA Governor’s Cup, kagabi, sa Smart Araneta Coliseum.

Una nang natakasan ng Phoenix ang Converge at Terrafirma kaya umakyat ito sa 4-5 standing habang nalaglag naman sa 2-7 ang Rain or Shine makaraan ang tatlong sunod na talo.

Pinangunahan ng veteran guard na si RR Garcia at rookie na si Encho Serrano ang fuel masters na kapwa nakapagtala ng 17 points habang nag-ambag si Jason Perkins ng 16 points at 5 rebounds at ang import na si Du’vaughn Maxwell ng 15 points, 13 rebounds, 4 assists, 5 steals at 5 blocks.

Sunod na makakasagupa ng Phoenix ang heavyweights na Barangay Ginebra bukas sa The Big Dome at Meralco naman sa linggo sa PhilSports Arena sa Pasig City.

About The Author