dzme1530.ph

Philippine Women’s National Football Team maglalaro sa 2024 Olympic Qualifying Tournament

Makakasama sa grupo ng Philippine Women’s National Football Team ang Hongkong, Tajikistan at Pakistan  sa 2024 Olympic Qualifying Tournament.

Ang Pilipinas kabilang sa Group E sa isinagawang Asian Football Confederations Official Draw na ginanap sa Kuala Lumpur sa malaysia, kahapon araw ng huwebes.

Target ng Pilipinas na maging Rank 53 sa mundo at maisakatuparan ang first appearance sa Olympic Games.

Ang dalawampu’t anim na koponan na hinati sa pitong grupo ay magtutunggali simula sa Abril 3 hanggang 11.

Ang Top teams mula sa bawat grupo ay aabante sa susunod na round at sasagupain ang mga nangungunang koponan sa Asia na kinabibilangan ng North Korea, Japan, Australia, China, At South Korea.

About The Author