dzme1530.ph

Taguig RTC, ibinasura ang Motion for Reconsideration ni Deniece Cornejo

Ibinasura ang Motion for Reconsideration na inihain ng model na si Deniece Cornejo hinggil sa kautusan ng korte sa pagpayag nito sa Petition for Bail ng actor-host na si Vhong Navarro.

Sa tatlong pahinang kautusan, ibinasura ni Judge Loralie Datahan ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 ang motion ni Cornejo bunsod ng kawalan ng merito.

Sinabi ng korte na walang Conformity mula sa Public Prosecutor nang ihain ni Cornejo ang kanyang mosyon.

Batay sa Rules of Court at sa isang Supreme Court Decision, binigyang diin ng RTC na required para sa nililitis na criminal actions na sumailalim sa kontrol ng Public Prosecutor.

Noong Disyembre 2022 ay pinayagan ng Taguig Court si Navarro na maglagak ng isang milyong pisong piyansa kapalit ng pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kasong Rape na isinampa laban sa kanya ni Cornejo.

About The Author