dzme1530.ph

DOTr, 4 na Airport Project Contract iginawad

Iginawad ng Department of Transportation (DOTr) ang kontrata para sa apat na Airport projects sa labas ng Metro Manila.

Ang mga nasabing paliparan ay sa Dumaguete, Negros Oriental; M’lang, North Cotabato; Cauayan, Isabela, at Catanduanes sa probinya ng Bicol.

Ang apat na Contract Package ay mayroong pinagsama-samang halaga na P 116.24 milyong piso.

Noong Oktubre ng nakaraang taon ay inihayag ng DOTr na siyam na airport projects ang target makumpleto ngayong 2023 na may combined value na halos P1 trilyong piso.

Idinagdag ng ahensya na sampung airport projects pa ang pinag-aaralang isailalim sa upgrades at expansion sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP).

About The Author