DZME1530

Philippine Ports Authority nakapagtala ng High Revenue Collection

Naitala ng Philippine Ports Authority ang pinakamataas na Revenue Collection simula ng itatag ito noong 1974.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, naka-kolekta sila ng 20.4 billion pesos na revenue noong nakaraang taon.

Sinabi ni Santiago na tumaas ng labing-anim na porsyento ang kanilang revenue noong 2022 kumpara sa 17.5 billion pesos noong 2021 at 16.6 billion pesos noong 2020.

Naitala rin ng PPA ang 7.15% na increase sa bilang ng mga container na nasa ports sa buong bansa, kung saan 5.01% ang itinaas sa domestic cargo habang 8.51% sa foreign containers.

About The Author