![]()
Ibinahagi ng mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada ang pangalan ng kanilang panganay na anak sa publiko, isang buwan matapos itong isilang.
Sa Instagram post, inilarawan ng celebrity mom ang kanilang panganay bilang “answered prayer.”
Sinabi ni Alex na “exactly one month ago” ay na-meet nila ni Mikee ang kanilang baby boy na si Isaac Gerard G. Morada.
Ibinahagi rin ng aktres ang mukha ng kanilang anak, maging ang family picture na kinunan sa ospital habang karga si Isaac.
Kasabay nito ay ang pasasalamat sa Panginoon para sa ligtas na cesarean delivery.
