![]()
Handa ang Philippine National Police na makipag-ugnayan sa French authorities upang matukoy ang kinaroroonan ni dating Cong. Zaldy Co.
Ipinaliwanag ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na kung maaresto sa ibayong dagat ang dating kongresista ay kinakailangang sumunod sa international protocols sa pamamagitan ng Interpol at diplomatic channels.
Tiniyak din ni Nartatez na magbibigay sila ng kaukulang suporta upang matiyak na masusunod ang due process at maigagawad ang hustisya.
Si Co ay nahaharap sa panibagong warrant of arrest dahil sa kasong plunder na inihain ng Ombudsman sa Sandiganbayan bunsod ng mga maanomalyang proyekto sa gobyerno mula 2022 hanggang 2025.
