dzme1530.ph

14 NA SEAFARER NA SAKAY NG INATAKENG TANKER SA STRAIT OF HORMUZ, NAKAUWI NA SA BANSA

Loading

Nakauwi na sa bansa ang labing-apat na Filipino seafarers na lulan ng Saudi-flagged oil tanker na Sidr at inatake sa Strait of Hormuz noong August 31.

Sinalubong ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration ang mga seafarers sa pagdating sa bansa, kagabi.

Ayon kay OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan, isasailalim sa medical intervention at psychosocial counseling ang mga Pinoy seamen.

Sinabi naman ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na iimbestigahan nila ang manning agency kung nilabag ang right to refuse to sail to high-risk areas ng mga tripulante.

About The Author