dzme1530.ph

REGISTRATION NG 19.82-BILLION PESO STEELASIA BATANGAS PLANT, APRUBADO NA NG BOARD OF INVESTMENTS

Loading

Inaprubahan ng Board of Investments (BOI) ang Certificate of Registration ng SteelAsia Lemery Works, Inc. (SLWI) para sa kanilang 19.82-billion peso steel manufacturing facility sa Batangas.
 
Sinabi ng BOI na ang naturang proyekto ay ang kauna-unahang manufacturing facility para sa medium steel sections sa bansa.
 
Ang 72-hectare facility ay matatagpuan sa Barangay Mataas na Bayan sa Lemery, at inaasahang magiging operational sa January 2027.
 
Ayon sa BOI, mag-i-specialize ang planta sa local production ng structural steel products, na kasalukuyang kinukuha sa pamamagitan ng pag-i-import.
 
Inaasahang papalo sa 500,000 metric tons ang annual production capacity ng planta habang ang employment ay tinatayang aabot sa 656 workers pagsapit ng ikatlong taon ng operasyon nito.

About The Author