dzme1530.ph

Chinap-chop na bahagi ng katawan ni Abby Choi, pinaghahanap ng autoridad

Pinaghahanap ng Hong Kong Police ang mga nawawalang torso at mga braso ng pinaslang at chinap-chop na socialite na si Abby Choi, makaraang kilalanin ng kanyang pamilya ang ilang bahagi ng kanyang katawan.

Ayon sa Local Media, mahigit isang daang pulis ang idineploy para sa search operations sa Ta Kwu Ling sa New Territories.

Noong linggo ay natagpuan ang bungo at ilang tadyang ni Choi sa isang malaking kaldero na nakuha mula sa isang bahay sa Tai Po.

Narekober ang ibang body parts ng socialite mula sa isang refrigerator sa naturang bahay na umano’y nirerentahan ng dating biyenang lalaki.

Sa security camera footage malapit sa Tai Po, nakita ang suspek na may dalang mga bag mula sa bahay patungo sa kalapit na garbage collection area.

Naniniwala ang mga pulis sa Kowloon West Major Crimes Division na posibleng nasa loob ng mga bag ang mga parte ng katawan ng Hong Kong Socialite.

About The Author