![]()
Patuloy ang pagbalangkas ng legal steps ng Department of Labor and Employment o DOLE upang maipatupad na ang ₱85 na wage increase para sa mga minimum wage earners sa National Capital Region o NCR.
Ayon kay Labor Secretary Francis Tolentino, naghain na ng motion to resolve ang Office of the Solicitor General sa Pasig City Regional Trial Court upang agad na maglabas ng resolution sa kaso sa wage order.
Ito ay matapos ang inihain na urgent motion for reconsideration ad cautelam noong August 17.
Sinabi ni Tolentino na karapatan ng mga manggagawa na makatanggap na sila ng karapat-dapat na umento dahil sa taas na ng presyo ng mga bilihin at kuryente.
Nilinaw ng kalihim na hindi nila maaaring maipatupad unilaterally ang wage order habang epektibo pa ang injunction order ng korte.
