![]()
Natupad ni Celine Dion ang pangarap na makabalik sa stage matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa pambihirang neurological disorder, sa pamamagitan ng sell-out concert sa Paris.
Halata ang kasiyahan ng French-Canadian singer nang buksan ang kanyang unang full concert sa loob ng anim na taon nang awitin niya ang 1990s French-language ballad na “On ne change pas” (“One Doesn’t Change”), sa harap ng 30,000 fans, kabilang si US Former First Lady Michelle Obama.
Sinabi ng 58-year-old singer na masaya siya na nakitang muli ang fans sa Plenitude Arena sa western edge ng Paris.
Ang kanyang pagbabalik sa concert stage ay pagbibigay-diin ng kanyang remarkable comeback matapos ma-diagnose noong 2022 na may stiff person syndrome, isang incurable autoimmune condition na maaaring magdulot ng severe muscle stiffness and agonizing spasms.
