dzme1530.ph

PCO, tiniyak ang episyenteng paggastos sa kanilang ₱2.28-B 2025 budget na inaprubahan ng Kamara

Tiniyak ng Presidential Communications Office ang episyenteng paggastos sa bawat piso ng kanilang ₱2.281-billion 2025 budget.

Ito ay kasabay ng pasasalamat ng PCO para sa mabilis na pag-apruba ng kamara sa kanilang proposed budget.

Ayon kay PCO Sec. Cesar Chavez, gagamitin ang kanilang pondo sa mga plano at programa nang naaayon sa batas.

Sinabi pa nito na ang mabilis na paglusot ng kanilang budget nang walang anumang pag-kwestyon o oposisyon mula sa mga mambabatas ay mas nag-uudyok sa kanilang isakatuparan ang mga pangako.

Ikinagagalak din nito ang buong suporta ng Kamara sa mga bagong programa at mandato ng PCO na ihatid ang katotohanan at napapanahong komunikasyon ng mga serbisyo at inisyatibo ng gobyerno. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author