dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Office of the President

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang selebrasyon ng ika-126 na anibersaryo ng Office of the President.

Sa seremonya sa Palace Grounds, nanawagan ang Pangulo sa mga empleyado ng OP na tuparin ang kanilang mandato nang may panibagong sigla at lakas.

Sinabi ng Pangulo na hindi man sila natatanaw ng mata ng publiko, sila pa rin ang nasa likod ng tagumpay.

Hinikayat din sila ni Marcos na mag-trabaho alinsunod sa polisiya, data-driven analysis, at sa kagustuhang matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.

Inilarawan sila ng Chief Executive bilang servant-heroes ng Malacañang kasabay ng paalala sa kanilang gampanan ang kanilang mga posisyon nang may dignidad at pagpapa-kumbaba.

About The Author